Ang Propesiya at ang Buhay ng Tao

Welcome to my First Tagalog Blog Post! 🙂

——————-

Sa Bibliya ng mga Kristiyano, marami ang nasasaad na pamamaraan ng katapusan ng sangkatauhan. Nasusulat, “ang katapusan ng sandaigdigan ay magulo, baabgsak ang mga industriyang itinayo ng mga tao; magkakaroon ng kaguluhang pampulitkia at babalutin ang daigdig ng init at tubig.” Kung papansining mabuti, ang daigdig ngayon ay tila nagsasakatuparan nan g mga isinasaad ng mga propesiya.

Gumuguho ang mga sistemang piskal ng mga makakapangyarihang bansa tulad ng Amerika at mga bansa sa Europa.

Nagkakaroon ng mga rebelyon at kaguluhan political sa mga bansa sa Arabian Peninsula.

Umiinit na ng husto ang mundo at binabaha na ng mga natutunaw na yelo dahil sa global warming.

Guguho ang mga Sistemang Piskal.

Taong 2008 nang magdeklara ang mga kumpanya sa Wall Street, New York ng bankruptcy. Ang Wall Street ay ang kapital pangekonomiya at piskal ng pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig, ang Estados Unidos. Karamihan sa mga pinakamalaking kumpanya sa daigdig ay ditto itinayo. Mga kumpanyang tulad ng JP Morgan & Chase ay mga kumpanyang pandaigdigan na kumikita ng bilyun-bilyong dolyares. Kung kaya’t ang kanilang pagdeklara ng bankruptcy ay isang malaking dagok sa sistemang piskal ng daigdig.

Ano nga ba ang tunay na kwento?

Ayon sa mga kumpanyang ito, mga utang na hindi pa nababayaran ng kanilang mga kliyente nila ang isa sa mga pinakamalaking dahilan ng kanilang pagkalugi. Dahil puro labas ng lsalapi ang ginagawa ng mga kumpanyang ito, bumaba ang kanilang kapital. Wala na silang kita sapagkat puro utang at hypothetical na salapi na lamang ang bumubuhay sa yamang piskal ng mga kumpanyang ito. Nang magsimulang hindi magbayad ang mga kliyente ng mga kumpanyang ito, napilitan silang magtinda ng assets: mga bahay at lupa na iniutanga kanila, mga stocks at cash bonds na kanilang pagmamay-ari ay napilitang ipagbili sa pandaigdigang merkado.Sa dami ng ari-ariang ipinapagbili, ay bumaba ang market value ng mga assets na ito. Simpleng ekonomiks: Kapag napakataas ng suplay ngunit sobrang baba naman ng demand, sigurado, bababa ang market value ng mga ganitong uri ng produkto. At siya ngang nagsimula ng pagguho ng maraming kumpanya sa Estados Unidos.

Kaakibat ng pagbagsak ng mga kumpanyang ito ay ang pagbasak ng ekonomiya ng Estados Unidos. Sa kadahilanang nakasalalay ng husto ang ekonomiya ng Amerika sa mga investors nito para sa kita, ang pagbagsak ng Wall Street ay bumaldado ng husto sa sistemang piskal ng Amerika. Bumaba ang halaga ng dolyar sa palitang pandaigdigan, napilitang magrelease ang US Federal Reserve ng malaking halaga bilang bailout para sustentohan ang mga serbisyong pambansa ng Amerika tulad ng edukasyon, military, serbisyong medical, transportasyon, imprastruktura, at iba pa.

Dahil makapangyarihang piskal ang Estados Unidos sa sandaigdigan, ang mga kapwa nitong sistemang ekonomiko sa ibang bahagi ng daigdig ay naapektuhan din. Bumagsak ang mga malalaking ekonomiya sa Europa, Tsina, Japan, Australia at iba pa.

Ito na nga ba ang sinasabi ng propesiya?

Kahit ano pang lakas ng kapangyarihang piskal ng Amerika, ay bumagsak pa rin to. Hindi kaya pahiwatig ito na may mas mataas pang kapangyarihan na nagdidikta ng ating kapalaran? Maaaring siya ang isinasaad ng Bibliyang Kristiyano. At tayo’y binabalaan na magtuwid na ng landas kung hindi ay may mas maraming pang kababalaghan ang gigimbal sa daigdig.

Magaaway-away ang mga tao sa pulitika.

Balitang-balita ang mga kaguluhang nagaganap ngayon sa mga bansa sa Arabian Peninsula. Mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa sa Middle East at North Africa. Tinawag itong Arab Spring, isang malawakang kilos-protesta ng mga mamamayan na nagnanais na pababain ang mga diktador na gumigipit sa kanila ng ilang dekada na.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Nagsimula ang protesta sa pagsusunog ni Mohammed Bouazizi ng sarili sa Tunisia bilang pagpoprotesta laban sa korapsyon at pagmamalupit ng mga pulis. Ang balitang ito ay kumalat sa mga social networks tulad ng Twitter na naging mitsa ng isang malawakang kilos protesta sa Tunisia. Naging matagumpay ang mga rebolusyon sa Tunisia, napaalis ng bansa ang pangulong si Zine El Abidine Ben Ali na nagtago sa bansang Saudi Arabia.

Matapos ang rebolusyon sa Tunisia, nagkaroon ng mga kaguluhang pampulitika sa Algeria, Jordan, Egypt at Yemen ng sabay-sabay. Naging matagumpay ang mga rebolusyon sa Ehipto nang mapatalsik nila sa pwesto si Hosni Mubarak, ang kanilang pangulo ng tatlumpung taon. Dahil sa mga pagkilos na matagumpay tulad nito, dumami na ng husto ang mga pagkilos sa Arabian Peninsula. Sa takot ng ibang pinuno, nagdeklara na sila ng intensyong bumaba; tulad ni Omar Al-Bashir, pangulo ng Sudan at ni Nouri al-Maliki, punong ministro ng Iraq.

Ngunit ang pinakamarahas sa lahat ay ang digmaang sibil sa Libya, laban sa pagitan ng mga ka-alyansa ng pamahalaan at ng mga rebelled. Si Muammar al-Gaddafi, ang pinuno ng Libya ay ayaw bumaba sa puwesto at ginamitan ng dahas-militar ang mga nagrerebelde. Dahil sa kalupitan ni Gaddafi, napilitan ang ibang bansa na mangialam sa mga kaganapan. Binomba ng Estados Unidos at ng ibang bansa sa Europa ang mga kampo ni Gaddafi sa Libya. Naging madugo ang rebolusyong ito, maraming buhay ang ibinuwis at matapos ang ilang buwan ng digmaang sibil ay nasakop na rin ng mga rebelled ang Tripoli at halos lahat ng Libya at kasalukuyang nagtatago ang diktador na si Muammar al-Gaddafi.

Ito na nga kaya ang sinasabi nilang digmaang pulitikal na sisira sa atin?

Ang mga kaguluhang ito ay maaaring pahiwatig na ng mga rebelasyon ng Bibliya. Isa na nga kaya itong patunay ng mga katagang, “maglalaban-laban ang mga tao, magkakagulo ang sistemang pampulitika ng mga bansa, guguho ang mga pamahalaan.” Tunay nga kayang tayo ay nalalapit na sa wakas ng sandaigdigan tulad ng naayon sa Bibliya?

Iinit ang daigdig at lalamunin ito ng dagat.

Napapanahon ngayon ang kakaibang pagbabago sa panahon at klima ng sandaigdigan. Maraming environmentalists tulad ni Al Gore na ang nagbabala ng mga sakuna na maaaring makuha mula sa pagbabago ng klima. Mula sa pagtaas ng temperatura ng daigdig hanggang sa malawakang mga pagbabaha.

Ano nga ba ang naging dahilan ng climate change?

Maraming dahilan ng pagbabago ng klima, may mga natural na dahilan, meron din naming likhang tao. Isa sa mga natural na dahilan ay ang Thermohaline circulation o ang pagbabago ng direksyon ng mga alon sa karagatan. Ang mga pagbabagong ito sa karagatan ay nakaka-apekto sa mga hangin na siyang nagiging sanhi ng pagbabago ng klima.

Mayroon ding mga sanhi na likha ng mga pagbabago sa kalawakan tulad ng orbital variations at solar output variations. Ang pagbabago sa orbit ng daigdig ay nakakaapekto sa klima. Kapag tumabingi ito, nagbabago ang distribusyon ng enerhiya mula sa araw. Ang mga pagbabagong ito ay nagpapainit o nagpapalamig sa klima ng daigdig. Katulad rin nito ang solar variations; kapag may mga pagbabago sa mga reaksyon ng enerhiya sa araw, ay nagbabago rin ang temperature ng daigdig depende sa dami ng enerhiyang tinatanggap mula sa araw.

Maaaring maraming mga natural na sanhi ng pagbabago ng klima, ngunit alam ng marami na tao ang pangunahing sanhi ng global warming at pagbabago ng klima. Ang mga teknolohiya ng sangkatauhan ang nagbubuga ng CO2, isang gas na nagpapalala ng pagbabago sa klima. Hindi pinapalabas ng gas na ito ang init ng daigdig pabalik sa kalawakan kaya ay tumataas ng husto ang temperatura ng daigdig.

Ano nga ba ang implikasyon ng climate change?

Unang-una sa lahat ay ang pag-init ng daigdig. Tumataas ng tumataas ang temperature ng daigdig, umiinit ang kapaligiran. Ang pag-init na ito ay maraming implikasyong sukbit.

Masama para sa ilang hayop at halaman ang pag-init ng daigdig. Dahil sanay ang mga hayop at halaman sa medyo malamig na klima, ang pag-init nito ay makakaapekto sa pamumuhay ng mga organismong ito. Mayroong mga uri ng hayop at halaman ang hindi kayang mamuhay sa mainit na klima.

Sakit ng tao sa sobrang init ay isa rin sa mga implikasyon ng global warming. Ang bilang ng mga kaso ng heat stroke, dehydration at iba pa ay tumataas na rin.

Ang pinakamasaklap na implikasyon ng global warming ay ang pagtaas ng sea level. Dahil sa sobrang init ay nagkakaroon na ng pagtunaw ng mga yelo sa mga polar caps at snow mountains. Ang pagtunaw ng yelo na ito ay nagdadala ng mga pagbabago sa sea level. Tataas ang sea level sa pagtunaw nito, at kaakibat nito ang mga malawakang pagbabaha.

Salitang naisabuhay.

Dahil sa patuloy na pagragasa ng global warming at pagbabago ng klima, ay hindi malayong magkatotoo ang propesiya ng Bibliya na iinit ang daigdig at malulunod sa malawakang pagbabaha. Kung hindi magbabago ang mga tao ay maaaring sa loob ng dekada ay uminit ng husto ang daigdig, matunaw lahat ng yelo na magdudulot ng pagtataas ng sea level at tuluyang pagkawasak ng daigdig.

Ang propesiya at ang buhay ng tao.

Maaaring hindi natin ramdam lahat ngunit ang mundo ay dahan-dahan nang nagbabago. Maaaring ang katapusan at wakas ng ating sibilisasyon ay tunay ngang nalalapit na. Hindi ba’t kakaiba na nagkataong nagsabay-sabay ang mga pangyayaring ito? At na ang lahat ng ito ay nasasaad ng mga propesiya sa Bibliya? Baka nga siguro, kapag tayo ay hindi magbabago, an gating mundo ay tuluyan ng maglalaho.

Armageddon: Which will it be?

-Makabagong Nostradamus

NJ Villafuerte

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s